Monday, September 12, 2016

Dalawang uri ng income

Maraming tao ang hindi alam na mayroon pa lang klase ng income. Ang alam lang ng mga tao lalo na ang pangkaraniwang mga Filipino basta ikaw ay kumikita o sumasahod ay mayroon ka ng income.

Pero meron dalawang uri ng income, eto ay ang active income at passive income..

Ano nga ba active income at passive income?
Active Income - Ito ay isang uri ng kita kung saan ang ating puhunan ay ang ating dugo at pawis, nag tatrabaho tayo para kumita. kung ikaw ay isang empliyado ang tawag dun ay sahod o sweldo. sa madaling salita nagtatrabaho tau para sa pera.
Passive Income - kung sa active income tayo ay nagtatrabaho para sa pera, sa passive income ang pera naman ang nagtatrabaho para satin. paano yun? naitanong mo ba yan sa sarili mo? pera natatrabaho? isa ito sa income na hindi alam ng mga karaniwang Filipino. for example ikaw ay may paupahang bahay, yan ay maituturing na passive income sapagkat ikaw ay may buwanang kita kahit hindi ka nagtatrabaho...

Paano tayo magkakaroon ng passive income?.,simple lang simulan mo mag-ipon

No comments:

Post a Comment