Ang pag-iipon ay madaling sabihin ngunit mahirap gawin.
isa lang naman ang nakakahadlang sa ating pag-iipon eto ay ang ating pag-iisip
kahit ilang beses mo sabihin sa sarili mo na mag-iipon ka ay hindi ka pa rin makaipon kasi hindi mo naman alam kung paano mag-ipon.
Paano nga ba mag-ipon?
itanong mo sa sarili mo kung paano mo binabudget ang income/sahod mo
ganito ka ba mag budget?
income - expenses = savings (buti kung may matira? pano kung wala? edi utang saan pa ba patungo yan)
kung ganyan ka palagi eh di eto ka
tanong mo sa sarili mo hanggang kailan ka ganyan?
bakit hindi mo baguhin?
Pay yourself first!
income - savings(bayad mo sa sarili mo) = expenses
yang ibinayad mo sa sarili mo yan ang iipunin mo.,yang ang pangbili mo ng future.,
atleast 20% ng kinikita mo ay isave mo para sa future mo...
the rest dun mo pagkakasyahin lahat ng gastusin mo isama mo na pati luho mo...
"kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan"
maliit lang sahod ko paano aq makakaipon? kahit gaano pa kalaki ang sahod mo hindi ka makakaipon.
"Its not how much you earn, its how much you keep" kahit gaano pa kaliit ang kita mo basta mayroon kang naitatabi mas mayaman ka pa sa taong malaki ang sahod..
ang tawag dyan positive mindset..
No comments:
Post a Comment